Ang Totoong Buhay sa Diyos (TLIG) radyo ay nagsimulang magbrodkast sa internet noong Julio 2004. Walang pananalapi na nakikita itong Kristiyanong radyo, tinatangkilik lamang ng mga boluntaryo at ang misyon nito ay ibrodkast ang mga mensahe ng Totoong Buhay sa Diyos na tinatanggap ni Vassula Ryden mula 1985.
Noong 1990 Hunyo 30, ang Panginoon nagsalita..”ibrodkast ang Aking Mga Mensahe; halika, bibigyan Ko ikaw ng paraan para ipalaganap ang Aking Mensahe. Aking itutustos ang lahat na kailanganin pagdating ng panahon; Bulaklak Ko, ipalaganapin mo ang Aking halimuyak ng mangyan sa ibang bansa,”
Ang sabi ni Vassula ukol sa Mga Mensahe: “Ang inspiradong akda o sulat ay nagtuturo sa mga nagbabasa para alamin ang Diyos at maintindihan Siya. Marami ang naniniwala sa Diyos pero hindi nila nakikilala ang Diyos, kaya ito ay inuudyok para magkaroon ng mataimtiman na kaugnayan sa Diyos, at dalhin tayo sa mag-iisang buhay sa Kanya.Ang Banal na Espirito ay pag-iisahin tayo kay Kristo, at ang mga tapat ay inaanyayahan na mabuhay ng magkasamahan sa parehong buhay, Buhay ni Kristo.”